"Hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan"
Sa pag-unlad ng lipunan, naisawalang bahala na ng bawat mamamayan ang ating kalikasan. Tapon doon, tapon dito, kalimitang gawain at kontribusyon ng bawat isa sa unti-unting pagkasira ng kapaligiran. Matagal na nating pasan-pasan ang problema tungkol sa basura. Minsan ng nagsanhi ito ng malubhang epekto sa kalusugan ng bawat mamamayan at kapaligiran. Ngunit hindi pa rin tayo nadadala. Lalo na sa mga lungsod ng Maynila, tila bulubundukin ang basura sa paligid. Mangilan-ilan din sa mga kanayunan ang nakakaranas sa kakulangan ng garbage truck o hindi araw-araw na pangongolekta ng mga basura. Kaya natatambak at laganap kung saan-saan ang kalat sa kapaligiran.
Nakakalungkot isipin na naipatupad na ang pangongolekta ng basura sa aking komunidad, ngunit hindi lahat ng barangay ay nalilibot upang makolekta ang mga basura. May mga araw pang hindi sila nangongolekta at walang magawa ang mga mamamayan kundi itambak ang mga ito. Dahil sa katamaran at kawalan ng disiplina ng iilang mamamayan, imbes na itapon sa tamang basurahan ang kanilang mga imbak na basura pinipili nilang sunugin na lamang ang mga ito. Kahit lingid naman sa kanilang kaalaman na ipinagbabawal ito ng batas sa kadahilanang pagkasira ng ating kalikasan.
Saklaw sa paglabag na ito ang "Ecological Solid Waste Management Act of 2008". Ang sinumang mahuhuli sa akto na nagsusunog ng basura ay papatawaran ng parusa at maaaring managot sa Republic Act. No. 8749 o mas kilala bilang "Philippine Clean Air Act of 1999". Naipatupad man ang mga batas ukol sa problema ng kapaligiran, marami pa rin ang hindi sumusunod dito.
Sa halip na tumunganga lang tayo at hintaying langawin ang mga basura, mag-isip at gumawa tayo ng solusyon dito. Maaari nating ibukod ang mga nabubulok, hindi nabubulok at nareresiklong basura. Para sa mga hindi nabubulok na basura, maaari itong ibaon sa lupa o gumawa ng Compost pit upang gawin itong pataba. Maaari ring limitahan ang paggamit ng anong plastik upang makabawas sa pagdami ng basura sa ating kapaligiran. Siguraduhin din natin na sa tamang basurahan itatapon ang ating mga kalat.
Napakadaling solusyunan ang problemang ito. Kung gusto natin makamit ang pagbabago sa kalikasan at makamit ang totoong pag-unlad ng ating lipunan, kinakailangan nating magtulungan. Kaya't ayon nga sa sikat na awit ng Asin, "Hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan".

Comments
Post a Comment