Liham para sa aking mga kaibigan
Mahal kong kaibigan, Nagsulat ako ng liham upang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa hindi matatawarang tulong at pagmamahal na ipinamalas ninyo sa akin. Sa loob ng halos dalwang taon na pagsasama, nakita ninyo ang tunay kong halaga. Walang pagod na inintindi ang ugali kong nakakadismaya. Hindi kayo nagsawang sumuporta kahit paulit-ulit man akong mabigo. Isa kayo sa naging dahilan upang malagpasan ko ang mga pagsubok noong mga panahong nawalan ako ng kompiyansa sa aking sarili. Pinili ninyong manatili upang samahan akong tahakin ang daan ng pakikibaka. Labis akong nagpapasalamat marahil hindi sa mga kapakinabangang natamo ko sa inyo, kundi dahil kayo ang nagsisilbing tulay upang baguhin ko ang aking sarili. Hindi man madali ang proseso ng pagbabagong minimithi, nandiyan pa rin kayo upang umagapay. Ipinakita ninyo ang aking pagkakamali ng walang panunumbat at pinadama ang pagkalinga na hindi ko naranasan kanino man....