Posts

Showing posts from 2019

Liham para sa aking mga kaibigan

Image
Mahal kong kaibigan,        Nagsulat ako ng liham upang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa hindi matatawarang tulong at pagmamahal na ipinamalas ninyo sa akin. Sa loob ng halos dalwang taon na pagsasama, nakita ninyo ang tunay kong halaga. Walang pagod na inintindi ang ugali kong nakakadismaya. Hindi kayo nagsawang sumuporta kahit paulit-ulit man akong mabigo. Isa kayo sa naging dahilan upang malagpasan ko ang mga pagsubok noong mga panahong nawalan ako ng kompiyansa sa aking sarili. Pinili ninyong manatili upang samahan akong tahakin ang daan ng pakikibaka.        Labis akong nagpapasalamat marahil hindi sa mga kapakinabangang natamo ko sa inyo, kundi dahil kayo ang nagsisilbing tulay upang baguhin ko ang aking sarili. Hindi man madali ang proseso ng pagbabagong minimithi, nandiyan pa rin kayo upang umagapay. Ipinakita ninyo ang aking pagkakamali ng walang panunumbat at pinadama ang pagkalinga na hindi ko naranasan kanino man....

General Academic Strand: Bakit ito?

Image
                       Sa apat na taon ko sa Junior High School, nasanay akong ipagwalang bahala ang mga bagay-bagay. Basta-basta nalang magdedesisyon ng hindi iniisip ang posibleng resulta. Subalit dumating ang araw na kailangan ko nang harapin ang susunod na yugto, ang Senior High School.       Nang iabot sa akin ang enrollment form, hindi ako nagdalawang isip na isulat ang strand na aking kukunin, ang General Academic Strand (GAS). Maaaring may kani-kaniyang dahilan ang bawat mag-aaral sa strand na kanilang napili. Ngunit wala akong maisip na dahilan kung bakit GAS ang napili kong tahakin. Maaaring naudyok lamang ako sa mga bulung-bulungan na madali lamang ang strand na ito. Isa pa sa maaaring dahilan kung bakit ito ang aking napili ay dahil ito rin ang strand na napili ng aking mga kaibigan.       Sa una, hindi pa gaano kabigat ang mga gawain. Ngunit dumating ang panahon ...

"Hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan"

Image
                  Sa pag-unlad ng lipunan, naisawalang bahala na ng bawat mamamayan ang ating kalikasan. Tapon doon, tapon dito, kalimitang gawain at kontribusyon ng bawat isa sa unti-unting pagkasira ng kapaligiran.      Matagal na nating pasan-pasan ang problema tungkol sa basura. Minsan ng nagsanhi ito ng malubhang epekto sa kalusugan ng bawat mamamayan at kapaligiran. Ngunit hindi pa rin tayo nadadala. Lalo na sa mga lungsod ng Maynila, tila bulubundukin ang basura sa paligid. Mangilan-ilan din sa mga kanayunan ang nakakaranas sa kakulangan ng garbage truck o hindi araw-araw na pangongolekta ng mga basura. Kaya natatambak at laganap kung saan-saan ang kalat sa kapaligiran.     Nakakalungkot isipin na naipatupad na ang pangongolekta ng basura sa aking komunidad, ngunit hindi lahat ng barangay ay nalilibot upang makolekta ang mga basura. May mga araw pang hindi sila nangongolekta at walang magawa ang ...

Liham bilang ako sa hinaharap

Image
Ako sa hinaharap,       Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang liham kong ito. Sumulat ako upang ipabatid ang ilang bagay at sa gayon ay malaman mo ang aking plano sa iyong buhay, ang buhay natin sa hinaharap. Hindi man natin maidikta kung ano tayo sa hinaharap, nais kong malaman mo na aantabayan kita sa buhay na gusto mong tahakin.       Umaasa ako na sa ating pagtatagpo ay nahanap mo na ang iyong tunay na kaligayahan ng walang pagkukubli at pagpapanggap. Nagiba mo na ang bakod sa iyong puso upang muling papasukin ang mga taong nagmamahal sa iyo ng tunay at kaya mo ng harapin ang bawat pagsubok ng walang takot. Natutong ipagmalaki ang iyong kakayahan at pagbutihin pa sa abot ng iyong makakaya. Ilang beses man mamintana ang mga luha sa iyong mga mata, pilitin mo pa rin tingnan kung gaano kaganda ang ating mundo.    Hanggat maaari, iwasan mo ang mga taong nagsasanhi ng iyong kalungkutan. Bagkus pilii...

Buhay Senior High School: Mahirap nga ba?

Image
                      Hindi madali ang buhay ng isang mag-aaral lalo na't nadagdagan ng dalawang taon ang aming gugugulin sa High School o ang tinatawag na Senior High School. Ngunit maituturing na makabuluhan ang pagbabago sa sistema ng ating edukasyon upang ang bawat mag-aaral ay mahasa sa iba't-ibang larangan, sa akademiko, teknikal o bokasyonal man na kurso.        Sa kasalukuyan ako ay nasa ika-labindalawang baitang at inaasahan ang paparating na pagtatapos ng aking yugto sa Senior High School. Hindi naging madali ang takbo ng aking buhay sa yugtong ito. Isa rin ako sa mga mag-aaral na nahirapang makipagbakbakan sa nakakapanibagong sistema, asignatura, mga guro at siksikang iskedyul. Maaaring isa ito sa mapanghamon na parte ng aking buhay ngunit hindi matatawaran ang saya, lungkot at pagmamahal na dulot nito.      Bago ko tahakin ang unang yugto sa mundo ng Senior High S...